Tagalog news: 2 bayan sa Romblon, nakamit ang Red Orchid Awards

SAN AGUSTIN, Romblon, Enero 29 (PIA) — Nakamit ng mga bayan ng San Agustin at Alcantara ang 2015 Red Orchid Awards mula sa Department of Health (DOH) dahil sa pagiging Smoke-free Municipality ng mga ito.

Ang karangalang natanggap ng naturang mga bayan ay gantimpala sa kanilang maigting na kampanya laban sa paninigarilyo upang mapangalagaan ang kalusugan ng mga mamamayan.

Ang prestihiyosong parangal ng DOH na National Red Orchid Awards ay aktibong sinalihan ng mga hospital at mga lokal na pamahalaan na nagpapatupad ng batas laban sa paninigarilyo.

Ang mga nabanggit na bayan ay nabigyan ng pagkilala dahil sa malawakan at masigasig na kampanya nito laban sa paninigarilyo lalo na sa mga pampublikong lugar bilang pagsunod sa Republic Act 9211 (Tobacco Regulation Act of 2003) at maigting na pagpapatupad ng ordinansa upang maging Smoke-Free Municipality.

Ang mahigpit na pagpapatupad ng batas laban sa paninigarilyo sa naturang bayan ay naglalayong maprotektahan ang mga tao laban sa mga sakit na dulot ng usok ng sigarilyo na siyang nagiging sanhi ng pagkakaroon ng cancer at iba pang nakamamatay na sakit.

Pinasasalamatan nina Dr. Deogracias S. Muleta ng RHU San Agustin at Dr. Jobin Maestro ng RHU Alcantara sa mga ahensiya ng pamahalaan na naging katuwang nila sa kanilang adbokasiya laban sa paninigarilyo.(DM/LBR/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s