Tagalog news: DepEd Romblon may bagong Schools Division Superintendent

ROMBLON, Romblon, Enero 28 (PIA) — May bago nang Officer-In-Charge (OIC) – Schools Division Superintendent ang Department of Education (DepEd) Division Office ng Romblon sa katauhan ni Roger Capa.

Kamakailan ay opisyal na isinalin kay Capa ang responsibilidad bilang kapalit sa binakanteng posisyon ni Raul M. Marin.

Si Capa ay isang career executive service officer (CESO), tubong Calatrava, Romblon at naitalaga na rin bilang OIC Assistant Schools Division Superintendent sa DepEd Romblon kung saan kanyang tinutukan ang paghahanda at implementasyon ng Senior High School.

Kanyang sinimulan ang panunungkulan sa pamamagitan ng Division Management Committee Meeting sa conference room ng Office of the Schools Division Superintendent.

Hiniling ni Capa sa mga school heads at mga kasamahan sa trabaho na siya ay tulungan sa lahat ng mga programang pang-edukasyon upang maayos at malinis nyang magampanan ang kanyang bagong responsibilidad.(DM/LBR/PIA-IVB/Romblon)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s