Tagalog news: Palawan Rescue 165, pinarangalan ng RDRRMC

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 25 (PIA) — Isang parangal na may titulong Gawad Kalasag Special Recognition Award ang tinanggap ng Palawan Rescue 165 mula sa Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) Region IV-B MIMAROPA sa isinagawang seremonya kamakailan sa Great Eastern Hotel, Lungsod ng Quezon.

Ayon sa pamunuan ng Palawan Rescue 165, ang nasabing parangal ay bilang pagkilala sa maagap at responsableng pagresponde nito sa mga mamamayan ng Palawan sa panahon ng kalamidad tulad ng bagyo o sa kahit anumang oras na kinakailangan ang serbisyo nito.

Hindi lamang aniya sa lalawigan ng Palawan naramdaman ang pagsusumikap ng naturang tanggapan kundi maging sa regional level kung kaya nagkaisa ang buong RDRRMC na mabigyan ng pagkilala ang mahusay na serbisyo publiko ng nasabing programa.

Ayon kay Gilbert Baaco, Program Head ng Palawan Rescue 165, masaya sila na nabigyang pansin ang kanilang sakripisyo at isang-daang porsyentong pagsisikap para mabigyan ng magandang serbisyo ang mga mamamayan ng Palawan.

Dagdag pa ni Baaco na mas lalo pa nilang pagagandahin at gawing aktibo ang mga empleyado ng Rescue 165 na dapat ay hindi napapagod ang mga ito upang patuloy na makapagbigay serbisyo sa publiko.(PIO/OCJ/LBR/PIA4B Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s