Tagalog news: ‘National Deworming Day’, sa Enero 27 na

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 21 (PIA) — Nanawagan ang Department of Health (DOH)-MIMAROPA sa lahat ng mga magulang na mayroong mga estudyanteng nag-eedad 5 hanggang 12 taong gulang na makiisa sa isasagawang National Deworming Day na nakatakdang sa Enero 27.

Layon nito na maiiwas ang mga bata sa mga sakit tulad ng soil-transmitted helminthiasis, filariasis at schistosomiasis.

Ang malawakang pagpupurga ng mga bata ay isasagawa ng DOH kada anim na buwan at ang una ay isasagawa ngayong Enero at ang susunod ay sa buwan ng Hulyo sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa buong bansa.

Sa pamamagitan nito ay mapupuksa ang mga bulate tulad ng hookworms, roundworms and whipworm na nagdudulot ng panghihina, pagkawala ng gana sa pagkain at pagkakaroon ng mababang IQ ng mga estudyante na mayroon nito.

Kasabay nito ay magsasagawa rin ng kahalintulad na aktibidad ang Provincial Nutrition Office ng Pamahalaang Panlalawigan ng Palawan para naman sa mga bata na nag-eedad 1-4 na taong gulang na tinaguriang OPLAN: Purga Kontra Bulate.

Ayon kay Provincial Nutrition Action Officer Rachel Paladan, ang mga bata naman na hindi pa nag-aaral na nag-eedad 1-4 na taong gulang ay maaaring dalhin sa mga Rural Health Units at Barangay Health Stations upang mabigyan ng libreng gamot pampurga.

Ang gawaing ito ay isasakatuparan sa tulong ng mga Community Volunteer Health Workers sa mga munisipyo na kinabibilangan ng Barangay Environment, Agriculture and Nutrition Scholars o BEANS, Barangay Health Workers at mga kawani ng Rural Health Units. (OCJ/LBR/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s