Tagalog news: Paglalagay ng POEA Field Office sa Palawan hiniling ng sanggunian panlalawigan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 20 (PIA) — Hiniling ng Sangguniang Panlalawigan ng Palawan kay Department of Labor and Employment Secretary Rosalinda D. Baldoz sa pamamagitan ni Hans Leo J. Cacdac ang paglalagay o pagtatayo ng sangay o field office ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa lalawigan.

Ang kahilingan ito ay sa pamamagitan ng inaprubahang resolusyon sa ika-122 regular na sesyon ng nasabing konseho kamakailan.

Ayon kay 2nd District Provincial Board Member Eduardo Modesto Rodriguez, na siyang may akda ng nasabing resolusyon, napapanahon na umano ang paglalagay o pagtatayo ng sangay ng POEA sa lalawigan dahil sa dumadaming mamamayan ng Palawan ang nangingibang bansa sa paghahanap ng magandang trabaho.

Dagdag pa ni Rodriguez, ayon sa tala ng Provincial Employment Service Office (PESO) nasa mahigit 2,000 na ang Palawenyong Overseas Filipino Workers (OFW) na nagtatrabaho sa iba’t-ibang bansa, hindi pa dito kasama ang mula sa lungsod ng Puerto Princesa.

Ani Rodriguez, layon ng resolusyong ito na matulungan ang nasa 2,000 mga OFW sa Palawan na mapagaan o mapadali ang kanilang pagpo-proseso ng mga dokumento sa pangingibang bansa tulad ng Overseas Employment Certificate (OEC) na tanging ang POEA lamang ang may awtoridad na mag-issue nito.

Kung sakaling matugunan umano ng POEA ang kahilingang ito ng sangguniang panlalawigan, ani Rodriguez ay makakatipid ng malaki sa gastusin ang mga Palawenyong OFW sa pagpoproseso ng mga papeles sa kamaynilaan. (OCJ/LBR/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s