Tagalog news: Comelec nakapagtala ng kaubuang 583,057 botante sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 20 (PIA) — Umabot sa 583,057 ang kabuuhang bilang ng mga botante sa lalawigan at lungsod ng Puerto Princesa ang naitala ng Comiision on Election (COMELEC)-Palawan.

Ang bilang na ito ay ang pinal na bilang ng mga botante na inilabas ng COMELEC pagkatapos ng isinagawang registration and validation ng biometrics noong Oktubre 31, 2015.

Pinakamarami sa bilang na ito ay nagmula sa Unang Distrito ng Palawan na umabot sa 229,920, na binubuo ng mga bayan sa bahaging norte ng lalawigan, ito ay ang mga bayan ng Roxas, Taytay, San Vicente, El Nido, Dumaran, Araceli, Linapacan, Cuyo, Magsaysay, Agutaya, Culion, Coron, Busuanga, Cagayancillo at Kalayaan.

Kabilang sa 203,242 naman dito ay mula sa Ikalawang Distrito ng Palawan na galing sa mga munisipyo ng Narra, Sofronio Española, Brooke’s Point, Bataraza, Quezon, Rizal at Balabac.

Pinakamababang bilang naman ang napunta sa 3rd District na umabot lamang sa 149,895 na kinabibilangan ng lungsod ng Puerto Princesa at bayan ng Aborlan.

Sa mga munisipyo naman sa lalawigan, ang tatlong munisipyo na nangunguna sa may pinakamaraming naitalang botante ay ang mga bayan ng Taytay na may naitalang mga botante na umabot sa 38,697, sinundan ito ng bayan ng Roxas na mayroong 37,697 at Bataraza na mayroong 37,507.

Mayroon namang kabuuhang 4,037 presento o precincts ang lalawigan ng Palawan at 1,007 clustered precincts para sa 443 barangays ayon sa tanggapan ng COMELEC-Palawan. (OCJ/LBR/PIA4B-Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s