Tagalog news: PCSO nagbigay ng 10 ambulansiya sa Palawan

PUERTO PRINCESA, Palawan, Enero 15 (PIA) — Sampung unit ng ambulansiya ang ibinigay ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa lungsod ng Puerto Princesa.

Sa 10 unit ng ambulansiya, isa ang napunta sa Provincial Health Office (PHO), isa sa City Health Office(CHO) at ang walo ay para naman sa mga Municipal Health Office (MHO) ng mga bayan ng Taytay, El Nido, Coron, Roxas, Sofronio Española, Balabac, Bataraza, Magsaysay at ang lungsod ng Puerto Princesa.

Sina Atty. Francisco G. Joaquin III at Dir. Mabel V. Mamba na nagmula sa PCSO Head Office ang personal na nag-turn over ng mga ambulansiya sa sa mga piling lokal na pamahalaan sa Palawan.

Sa mensahe na ibinigay ni Atty. Joaquin, ito ay isang katuparan sa pangako ng PCSO na mabigyan ng ambulansya ang bawat bayan sa buong Pilipinas upang maihatid ang serbisyo sa mga kababayang Pilipino.

Tinuran din niya na hindi sa kanilang tanggapan nagmumula ang serbisyong ito kundi sa bawat Pilipino na tumatangkilik ng kanilang produkto sa pamamagitan ng pagbili at pagtaya sa mga laro at bilang pagtugon dito sila umano ay bahagi lamang ng daluyan ng pagpapala.

Ang turn-over ceremony ay ginanap sa Puerto Princesa City Coliseum kamakailan na dinaluhan ng mga Health Officers na benepisyaryo ng libreng mga ambulansiya mula sa PCSO. Dumalo rin si Vice Governor Victorino Dennis M. Socrates bilang kinatawan ng pamahalaang panlalawigan.

Malugod namang tinanggap at nagpasalamat si OIC-Provincial Health Officer Dr. Mary Ann Navarro para sa bagong ambulansyang ipinagkaloob ng PCSO sa kanilang tanggapan.

Ayon kay Dr. Navarro, ito ang kauna-unahang pagkakataon na nakatanggap ang PHO ng libreng ambulansya mula sa PCSO at napakalaki umano ang maitutulong nito bilang pagtugon sa serbisyo medikal para sa mga kababayang Palaweno. (OCJLBR/PIA4B/Palawan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s