Pagkuha ng business permit sa Calapan, mas pinadali

CALAPAN, Oriental Mindoro, Dis. 19 (PIA) – Ginawa na ngayong simple at mas pinadali ang pagkuha ng business permit ng mga negosyanteng magtatayo ng negosyo sa lungsod.

Mula sa dating 21 steps sa pagkuha ng business permits, ginawa na lamang itong tatlong steps upang makaiwas sa congestion ang mga aplikante. Ang proseso ay binubuo ng tatlong aspekto: File, Pay, at Release.

Sa File, kinakailangang punan ang mga kinakailangang datos na nakapaloob sa Unified Registration Form. Ikalawa ay ang Pay na ibabase ang bayarin sa previous payments. Ang ikatlo ay ang Release na kung saan ay agad na makukuha ang business permit at tanging ang Business Permits and Licensing Officer at City Mayor lamang ang lalagda.

Dahil dito, ang pagiging masigla at maunlad ng kalakalan ngayon sa lungsod ay resulta ng maayos na implementasyon ng mga polisiyang may kaugnayan sa kapakanan at kagalingan ng mga nagnenegosyo.

Samantala, anumang kakulangan sa mga requirements sa pagkuha ng permit ay pahihintulutan subalit ito ay sisiguruhing makokompleto sa loob ng 365 days sa pamamagitan ng binuong Joint Inspection Team na binubuo ng City Health and Sanitation Department, City Treasury Department, City Legal Department, City Assessors Department, Zoning Office, Building Official Office at Business Permit and Licensing Office.

Para naman sa taong 2016 ay hindi na kinakailangang magfill-up muli ng Unified Registration Form sapagkat ang mga datos ay nasa data base na ng City Government at kaunti na lamang ang kinakailangang requirements. Ang assessment ay ibabase sa BIR Income Tax Payment/Percentage Tax Payment.

Tiniyak naman ng pamahalaang lokal na walang magiging anumang pagtaas sa bayarin sa pagkuha ng business permit sa susunod na taon. (CIO/LTC/lbr/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s