Panukalang kontra-baha ng isang barangay sa OrMin, tinugunan ng pamahalaan

CALAPAN, Oriental Mindoro, Okt. 31 (PIA) — Tinugunan na ng Pamahalaang Panlalawigan ang panukala para sa proyektong kontra-baha na inihain ng mga opisyal ng Barangay Malapad sa bayan ng Baco.

Ang isang barangay resolution na ipinasa ng mga taga-ang kanilang ay ang paglalagay ng 27-linear meter na gabion na siyang hahadlang sa pag-apaw ng tubig mula sa ilog na siyang nagdudulot ng pagbaha sa barangay road.

Kamakailan lamang ay pinasinayaan ni Gob. Umali Alfonso V. Umali, Jr. ang nasabing proyekto kasama si Baco Vice Mayor Eric Castillo, Kapitan Rolando Mandeta at iba pang mga opisyal ng barangay.

Sa kanyang pananalita, binigyang-diin ng punong lalawigan na hindi siya masyadong mahilig magbigay ng state of the province address o ang pagtatalaga ng araw upang mag-imbita ng makikinig sa kanyang mga nagawa bilang punong lalawigan. Ayon pa rito, mas higit niyang pinahahalagahan ang pagkilos na matugunan ang mga kahilingan ng mga taga-barangay lalo na ang ramdam niyang kailangang-kailangan.

Paghanga at pasasalamat naman ang ipinaabot nina Vice Mayor Castillo at mga opisyal ng naturang barangay sa mabilis na pagtugon sa proyektong kanilang hiniling nitong Marso 2014 na natugunan ngayong buwan ng Oktubre.

Kaagad namang isinunod dito ang pagpapasinaya sa isa pa ring katugunan sa hiniling na Multi-Purpose at Evacuation Center ng mga taga-Barangay Putican-Cabulo ng bayan pa rin ng Baco. Isa rin ito sa lugar na malimit ding makaranas ng pagbaha. (CPRSD/LTC/LBR/PIA-Mimaropa/Calapan)

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s