2 organisasyong tumutulong sa mga kabataang may kapansanan sa OrMin

By Luis T. Cueto

CALAPAN, Oriental Mindoro, Hunyo 17 (PIA) – Tumutulong ngayon sa mga kabataang may kapansanan ang organisasyong “Akapin Dagitab” at ang Samahan ng mga Magulang na may Anak na may Kapansanan o Samaka.

Ang mga samahan ay naglalayong lingapin ang mga kabataang may kapansanan sa lungsod ng Calapan upang matulungan sa kanilang mga pangangailangan sa pamamagitan ng paggabay ng City Social Welfare and Development Department (CSWD).

Kamakailan ay pinangunahan dito pagpupulong ng pangulo ng Akapin Dagitab at Samaka na si Maricar De Torres kasama ang siyam na magulang at dalawang may kapansanang kabataan na miyembro ng organisasyon.

Dito, tinalakay ni Torres ang mga naganap noong huli nilang pagpupulong at isinalaysay ang mga layunin at plano ng kanilang samahan upang makatulong sa mga kabataang may kapansanan. Tinalakay din sa pagpupulong ang gaganapin na General Assembly ng organisasyon na nakatakdang ganapin sa Setyembre 18.

Ang dagitab ay nangangahulugan na ilaw. Ayon kay Torres, binuo ang Dagitab at Samaka upang higit na matulungan ang mga kabataang may kapansanan. Nais ng samahan na maturuan ang mga kabataang may kapansanan ng iba’t ibang paraan upang kumita at may pagkaabalahan na kapaki-pakinabang. Dagdag pa ni Torres, binuo ang organisasyon dahil nais nilang maging patnubay sila ng mga kabataan.

Ang Akapin Dagitab ay isang organisasyon sa Oriental Mindoro na binubuo ng anim na bayan. Kabilang sa miyembro nito sa unang distrito ang lungsod ng Calapan at ang munisipalidad ng San Teodoro at Victoria. Samantala, sa ikalawang distrito ay kabilang ang mga munisipyo ng Gloria, Bongabong at Bansud.

Bukod sa pagtulong sa mga kabataang may kapansanan, katuwang din ng Pamahalaang lungsod ng Calapan ang Dagitab at Samaka sa pagtukoy at pagpili ng mga benepisyaryo ng NORFIL Foundation na isang non-profit organization na lumilingap sa mga batang may kapansanan. (LBR/CIO/LTC-PIA4B Calapan City)

Advertisements

2 thoughts on “2 organisasyong tumutulong sa mga kabataang may kapansanan sa OrMin

  1. Karen Fuentes

    San po ba ako pwede humingi ng tulong dito sa trece martires cavite.. I’m Karen Fuentes, nakatira po ako ngayon sa trece Martires cavite,37 years old n po ako. At gusto ko sana magwork. Isa po akong polio victim please help me po

    Reply
    1. PIA-MIMAROPA Post author

      Hi Ma’am Karen! Maaari niyo pong bisitahin ang http://www.ncda.gov.ph/. Mayroon po silang mga programa para sa mga PWD at directory ng iba pang mga organisasyong maaring tumulong sa inyo.

      Maari rin po kayong mag-sign-up sa https://daretohiremenow.com/ kung saan i-mamatch po ang inyong kakayahan sa mga potensyal na employers.

      Ang Unilab Foundation din po ay kasalukuyang naghahanap ng mga PWD na nais magtrabaho. Bisitahin lamang po ang link na ito: http://www.unilabfoundation.org/ULFWeb/92/volunteer-project/wanted-pwd-for-employment

      Ang Accenture Philippines din po ay may programa para sa mga PWD. Bisitahin lamang po ang link na ito: https://www.accenture.com/ph-en/company-persons-with-disabilities

      Maraming salamat po Ma’am Karen, hanga po kami sa inyong pagpupursigi! Nawa’y makatulong po ang mga impormasyong ito sa paghahanap niyo ng trabaho.

      Reply

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s